FILIPINO 4 - 4TH Monthly Exam
TEST I. URI NG PANGUNGUSAPPanuto: Tukuyin sa loob ng kahon ang tamang sagot sa mga sumusunod. 1. Ay naku! Bumabagyo na ang lakas pa naman ng hangin! Padamdam 2. Mario may kumagat ba sa iyo? Patanong 3. Iniligtas siya ni Bantay sa pamamagitan ng pag tahol. Pasalaysay 4. Sino ba ang doktor na tumingin sa kanya kahapon? Patanong 5. Madalas maglaro ang magkaibigan na sina Jocelyn at Manilyn sa parke. Pasalaysay 6. Manong, pakisabi po sa akin kung may makikita kayong payong na kulay pula. Pakiusap 7. Dinala siya sa Zamboanga del Sur Medical Center upang masuri ng doktor. Pasalaysay 8. Ipasok mo ang sisiw sa loob ng bahay, Ryan. Pautos 9. Yehey! Nanalo kami sa basketbol! Padamdam 10. Bakit ka ba nakatayo sa ilalim ng puno ng mangga? Patanong TEST II. PAGBIBIGAY PANUTOPanuto: Magbigay ka ng panuto o hakbang sa mga sumusunod na sitwasyon.RUBRIK:10 pts may 3-4 panuto at may indikasyon (H,T,S,K)5 pts may 3-4 panuto ngunit walang indikasyon (H,T,S,K) Ang pinsan mong taga-Aurora ay nais maligo sa magandang beach sa inyong lugar at humingi ng tulong sa iyo upang matunton ang kinaroroonan nito. Magbigay ng 3 o 4 na hakbang para matulungan ang iyong kaibigan. Inutusan mo ang iyong nakababatang kapatid upang bumili ng pagkain sa tindahan. Bigyan mo siya ng 3 o 4 na hakbang kung paano pumunta roon. TEST III. BALANGKASPanuto: Basahin ang talata. Bumuo ng balangkas hinggil dito.RUBRIK:5 puntos wasto at kompleto ang sagot3 puntos wasto ngunit hindi kompleto ang sagot1 puntos walang sagot “Ang Coronavirus 2019”Ang sakit na coronavirus 2019 (COVID- 19) ay isang sakit sa palahingahan. Ito ay sanhi ng isang bagong virus. Sinuman sa anumang edad ay maaaring magkasakit. Ang ilang tao ay maaaring magkasakit nang mas malala kaysa sa iba. Ang mga tao nagkakasakit ng COVID-19 ay maaaring makahawa sa iba, kahit pa minsan parang wala silang sakit. Hindi namimili ang mga virus kaya’t iwasan ang mga pagpapalagay tungkol sa kung sino sa tingin ang may sakit.Ilan sa mga sintomas ay ubo, pangangapos ng paghinga, lagnat, panginginig, pananakit ng ulo, pananakit ng kalamnan, pananakit ng lalamunan at pagkawala ng panlasa at pang- amoy.Upang maiwasan na mahawaan at makahawa sa sakit na ito ay nararapat lamang na gawin ang mga sumusunod; panatilihin ang anim (6) na talampakang (dalawang metro) layo mula sa ibang tao kapag nasa labas ng bahay, magsuot ng facemask o telang panakip ng mukha kapag pumupunta sa mga tindahan o iba pang mga lugar kung saan mahirap panatilihin ang anim na talampakang layo mula sa iba. Hugasan nang madalas ang iyong mga kamay, takpan ang bibig kapag umuubo, linisin at disinfect ang mga bagay na madalas hinahawakan. 1. Batay sa talata sa itaas, sumulat ng tatlong (3) depinisyon ng Coronavirus 2019. 2. Batay sa talata, sumulat ng limang (5) sintomas ng Coronavirus. 3. Batay sa talata, sumulat ng tatlong paraan para makaiwas sa Coronavirus.