1stPE EXAM - Ch.Ed 5

Worksheet by Vincent Jay Dagso
1stPE EXAM - Ch.Ed 5 worksheet preview image
Language
ITA
Assignments
11 classrooms used this worksheet

TEST I. MULTIPLE CHOICE. Basahin at unawain ng mabuti ang pangungusap. Tukuyin kung alin sa mga pagpipilian ang nagpapakita ng katapatan. Napagtanto ni Celso na sobra ang ibinigay na sukli ng tindera sa grocery store na kanyang binilhan. Ano ang dapat niyang gawin? Umuwi kaagad sa bahay pagkatapos bumili. Pagalitan ang tindera dahil nagkamali ito. Ibalik ang sobrang sukli sa tindera. Ilagay sa bulsa ang sobrang sukli. Nakita mo ang iyong kaklase na mabilis na lumabas ng palikuran ng mga babae na parang may tinatakasan. Kinabukasan ay nag -anunsyo ang punong guro ng paaralan na mayroong nagsulat sa dingding sa loob ng palikuran. Bilang isang matapat na mag-aaral, ano ang gagawin mo? Ipagsigawan sa buong paaralan na ang iyong kaklase ang nagsulat. Pumunta sa punong guro at makipag-usap ng mabuti tungkol sa iyong kaklase. Ipahiya ang kaklase sa buong paaralan. Tumahimik lang at huwag sabihin ang nakita. “Bawal umihi dito”. Ito ang karatola na mababasa sa pader sa tapat ng inyong paaralan. May mga kabataang lalaki ang lumabag sa babala na bawal ang umihi sa lugar na iyon. Paano mo aaksyonan ang pangyayari? Isumbong kaagad ang mga nakitang lalaki. Pagalitan ang mga lalaking umihi doon. Pagsabihan ng mahinahon ang mga lalaki na bawal umihi doon. Sabihin sa punong guro na may lalaking lumabag sa babala ng paaralan. Alam ni Myra na si Jose ang naghagis ng bato sa batang katutubo sa inyong paaralan ngunit natakot siyang sabihin ang katotohanan dahil sa pinagbantaan siya ni Jose. Gustong ipaalam ni Myra ang totoo, kanino niya ito sasabihin? Sasabihin ni Myra sa kanyang mga kaklase. Sasabihin ni Myra sa kanyang kapitbahay. Sasabihin niya ito sa guro ng batang katutubo. Sasabihin niya ito sa punong barangay. Pinuri ng Science teacher si Jane dahil nakakuha siya ng pinakamataas na marka sa pagsusulit. Pinalakpakan siya ng buong klase at pinuri ang nagawa. Mayamaya lang ay dahan-dahan siyang tumayo at pumunta sa gitna. Inamin niya na siya ay nagkodigo. Anong katangian ang ipinakita ni Jane sa kanyang pag-amin sa kasalanan? Pagpapakumbaba Pagkamatapat Pagkamasunurin Nag-away ang dalawa mong kaklase. Si Niko na matalik mong kaibigan ang nagsimula ng gulo. Bilang kaibigan, ano ang nararapat mong gawin? Tutulungan ang kaibigan at makipag-away din sa kaklase. Pagtawanan ang dalawang nag-aaway. Aawatin ang nag-aaway at pagsasabihan silang dalawa sa mahinahon na paraan. Kailan makikita ang katapatan sa sarili? Maniniwalang palaging tama ang kaniyang ginagawa. Aangkinin ang gawa ng iba para purihin ng guro. Tatanggapin nang maluwag sa loob ang maliit na marka at pag-iigihin ang pag-aaral sa susunod. Inutusan ng nanay si Mila na bumili ng asukal sa tindahan ngunit nadaanan niya ang mga kaibigang naglalaro. Ano ang dapat niyang gawin? Sasali sa laro at kakalimutan ang utos ng nanay. Hayaang maglaro ang mga kaibigan at di-diretso sa tindahan para sundin ang utos ng nanay. Ibibili ng meryenda ang pera at ipamimigay sa mga kaibigan. Isang opisyal ng barangay si Mang Mario. Ginagampanan niya ng maayos at matapat ang kanyang mga tungkulin sa kanilang barangay. Ano ang ipinakikita ni Mang Mario? Katapatan sa guro Katapatan sa pamilya Katapatan sa paaralan Katapatan sa pamayanan Napansin mong walang imik ang iyong nakababatang kapatid. Nang tanungin mo, sinabi niya sa’yo ang problema niya. Ano ang gagawin mo? Makinig, unawain at maging tapat sa pagbibigay ng payo sa kapatid. Pabayaan ang kapatid na lutasin ang sariling problema. Huwag pagsabihan ang kapatid dahil baka masaktan siya Isumbong sa nanay para mapagalitan. TEST II. TAMA o MALIPanuto: Tukuyin ang mga pangungusap kung ito ay TAMA o MALI. TAMA Mahalagang bahagi ang tagumpay ng isang proyekto kung magkakaisa ang mga miyembro ng pangkat. Kailangang pagplanuhan muna ang gagawing proyekto bago umpisahan. Mahalaga sa pangkat ang opinyon ng bawat miyembro. Ang pagkakaisa ay maaaring maipakita sa tahanan. Ang pagbibigay-puna sa hindi mabuting gawi ng miyembro ay dapat na gawin sa patagong paraan para hindi mapahiya. MALI Ang pagkakaniya-kaniya ng mga miyembro ng pangkat ay makabubuti sa lahat. Ang lider ng pangkat ang dapat masusunod. Ang palaging pagsalungat sa opinyon ng mga miyembro sa pangkat ay tanda ng pagiging isang lider. Hindi dapat umamin sa kasalanang nagawa ng isang miyembro kahit alam mo ang totoo. Ang pagsunod sa gusto ng nakararami sa pangkat ay tanda ng pagkakaisa ng bawat kasapi, kahit alam mo na hindi maganda ang nais. TEST III. PAGBABASA NG KWENTOPanuto:Basahing mabuti ang kuwento at sagutin ang sumusunod na mga tanong.RUBRIK:3 pts naipaliwanag ng maayos ang sagot2 pts hindi klaro ang pagpapaliwanag ng sagot Ang pangkat ni Ben ay inatasan ng kanilang guro sa Araling Panlipunan na magpakita ng isang katutubong sayaw. Bilang lider ng grupo, kaagad nagpatawag si Ben ng pagpupulong sa kanilang mga kasama. Lahat sila ay may kani-kaniyang gawain na dapat gampanan. Kaagad naman nilang ginawa ang mga ito ng may pagkukusa. Sa araw ng kanilang pagtatanghal ay naging maganda ang kanilang presentasyon. Lahat ay napahanga lalong-lalo na ang kanilang guro. Tinanong sila kung paano nila ito nagawa ng maayos sa maikling panahon. Napangiti lamang si Ben at sumagot ng maikling tugon, “Ang tingting kapag pinagsama-sama ay nagiging matibay”. 1. Ano ang katangiang ipinakita ng pangkat ni Ben? 2. Paano ginampanan ni Ben ang kanyang tungkulin bilang lider ng grupo? 3. Ano kaya ang maaaring mangyari kung hindi tumulong ang mga kasapi ng grupo sa kanilang gawain? 4. Kung ikaw ay bahagi ng pangkat ni Ben, ano ang nararamdaman mo? Bakit? 5. Ipaliwanag ang kasabihan, “Ang tingting na pinagsama ay nagiging matibay”.

Use This Worksheet