Paunang Pagsusulit Ikalawang Traymestre
Panuto: Basahin at unawing mabuti ang mga mga tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot. 1. Alin sa mga sumunod na salita sa pangungusap ang hindi pangngalan?Ang mga miyembro ng pamilya ay nagtutulungan sa paghahanda ng hapunan. miyembro pamilya nagtutulungan 2. Alin sa mga sumusunod na grupo ng salita ang mga pangngalang pantangi? bahay, simbahan, ospital Bb. Myla, Bb. Cyrelle, Gng. Elain ibon, tigre, aso 3. Ano ang kasarian ng pangngalang may salungguhit?Bumili ako ng gamot sa botika. pambabae di-tiyak walang kasarian 4. Ano ang kayarian ng pangngalang may salungguhit?Binati ko ng “Magandang umaga” ang aking kapitbahay. payak maylapi tambalan 5. Saang bahagi ng aklat makikita ang mensahe ng awtor o dahilan ng kanyang pagsulat ng aklat? Indeks Panimula Pabalat 6. Saang bahagi ng aklat makikita ang mga larawan, kwento at aralin? Pahina ng Karapatang-ari Katawan ng Aklat Glosaryo 7. Ano ang pamagat ng aklat sa larawan? Dalawang Bayani ng Bansa Rene O. Villanueva Joel Jason O. Chua 8. Ayon sa talaan ng nilalaman, saang pahina makikita ang Modyul 7: Ako at ang mga Tao sa Pamayanan? Pahina 26 Pahina 47 Pahina 62 9. Anong panghalip panao ang maaari mong ipalit sa nakasalungguhit na pangngalan sa pangungusap?Sina Kuya Paulo, Jun-Jun at ako ay mapagmahal sa aming magulang. Ikaw Ako Kami 10. Aling grupo ng panghalip ang nasa unang panauhan? ako, ko, tayo sila, siya ikaw, kayo 11. Ano ang kailanan ng mga panghalip na nakasalungguhit?Ang mga Pilipino ay dapat magkaisa. Tayo lamang ang makakapag-angat sa ating bansa. isahan dalawahan maramihan 12. Aling panghalip pananong ang bubuo sa pangungunsap?_ ang dapat gamiting panghugas ng kamay? Sino Saan Ano 13. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa panghalip pananong? Kailan Bakit Ano 14. Alin sa mga sumusunod na panghalip pamatlig ang ginagamit kung malapit sa nagsasalita ang tinutukoy? Ito Iyan Iyon 15. Anong uri ng panghalip ang ginagamit na panghalili sa pangalan ng tao? Panghalip Panao Panghalip Pananong Panghalip Pamatlig