FILIPINO Learning Activity Q3 W4
MELC#37: Nailalarawan ang mga tauhan sa napakinggang teksto batay sa kilos, sinabi o pahayag F2PN-Ii-j-12.1Pamagat ng Gawain: Paglalarawan sa mga Tauhan sa Napakinggang Teksto Batay sa Kilos, Sinabi o PahayagPanuto: Maaaring ipabasa sa magulang o tagapangalaga. Pakinggan ang maikling kuwento, at sagutin ang mga tanong sa ibaba.Ang Lakbay-Aral Sumama sina Fe at Josie sa lakbay-aral ng kanilang paaralan. Nagpunta sila sa Manila Zoo. Tuwang-tuwa ang mga bata sa nakita nilang mga hayop. Gayundin sa iba’t ibang kulay ng mga ibon. Ang tataas ng mga giraffe! Ang lalaki ng mga elepante. Ang sasaya ng mga matsing na nagpapalipat-lipat sa mga puno. Tuwang-tuwa silang pagmasdan ang mga hayop. Iniiwasan din nilang magtapon o magkalat ng basura sa kapaligiran ng Manila Zoo. 1. Sinu-sino ang nagpunta sa Manila Zoo? 2. Ano-ano ang nakita nila? 3. Ano ang naramdaman ng mga bata habang sila ay nasa Manila Zoo? 4. Paano pinangalagaan nina Fe at Josie ang kapaligiran? 5. Bakit masarap mamasyal sa Manila Zoo?