TLE 5 - 4TH MONTHLY EXAM

Worksheet by Vincent Jay Dagso
TLE 5 - 4TH MONTHLY EXAM worksheet preview
Language
POR
Assignments
11 classrooms used this worksheet

TEST I. LOKAL NA MATERYALESPanuto: Basahin ng mabuti ang mga sumusunod. Bilugan ang letra ng tamang sagot. 1. Si Mang Alvin ay kilala sa pagiging magaling na karpintero sa Barangay Cogon. Sa anong gawaing pang-industriya nakahanay ang kanyang propesyon? Gawaing-Metal Gawaing-Kahoy Gawaing-Elektrisidad Gawaing-Bahay 2. Anong bahagi ng niyog ang kapaki-pakinabang sa mga mamamayan? Dahon Bunga Ugat Lahat 3. Ang yakal, narra at kamagong ay nakapaloob sa anong materyal na industriya? Himaymay Plastik Kahoy Kabibe 4. Anong uri ng himaymay na materyal na karaniwan ay gumagapang at ginagamit sa paggawa ng upuan, higaan, at kabinet? Abaka Rattan Kawayan Katad 5. Anong uri ng materyales ang maaaring gamitin sa paggawa ng iba’t ibang produkto tulad ng kampanilya, kadena de amor, niyog-niyogan, at haomin. Baging Katad Rami Buri 6. Alin sa mga sumusunod ang nakahanay sa gawaing pang-kahoy? Paggawa ng lubid Pagpapalit ng mga sirang bombilya Paggawa ng bag at damit Pagkukumpuni ng mga silya 7. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng himaymay o fiber na materyales sa paggawa ng pang-industriya na produkto gaya ng sinulid? Kahoy, Katad, Rattan Buri, Metal, Niyog Abaka, Rami, Buri Niyog, kawayan, Plastik 8. Bakit kailangang mahaba ang pinagdaraanang proseso ng katad bago ito magawa sa mga panibagong produkto? Upang mas magustuhan ng mga mamimili ang produktong yari nito Upang madali itong mabulok at maitapon Upang mapanatili ang tibay at natural na ganda nito Upang mas mura ang produktong yari nito 9. Saan karaniwang ginagamit ang kabibe o kapis? Sa paggawa ng mga bahay Sa paggawa ng mga basket Sa paggawa ng mga walis Sa paggawa ng mga alahas 10. Si Tata ay nag-wewelding ng gate sa paaralan. Sa anong gawaing pang-industriya siya nabibilang? Gawaing-Metal Gawaing-Elektrisidad Gawaing-Kahoy Gawaing-Paaralan ESSAY. Ipaliwanag ang iyong sagot.1. Mahalaga bang malaman ang mga kagamitang pang-industriya? Bakit? PAMANTAYAN:5 pts maayos at komprehensibo ang pagpapaliwanag3 pts maayos ang pagpapaliwanag ngunit medyo kulang sa impormasyon1 pt hindi maayos ang pagpapaliwanag ESSAY. Ipaliwanag ang iyong sagot.2. Ano kaya ang maaaring kahihinatnan sa isang bata na may kaalaman at kasanayan sa mga gawaing pang-industriya? Bakit? PAMANTAYAN:5 pts maayos at komprehensibo ang pagpapaliwanag3 pts maayos ang pagpapaliwanag ngunit medyo kulang sa impormasyon1 pt hindi maayos ang pagpapaliwanag TEST III. KASANGKAPANG PANG-INDUSTRIYA AT PANG-ELEKTRISIDADPanuto: Isulat ang pangalan at kagamitan ng mga sumusunod na kasangkapang pang-industriya at pang-elektrisidad.RUBRIK6 puntos tama ang pangalan at kagamitan3 puntos mali o walang pangalan ngunit may kagamitan1 puntos walang sagot

Make it yours