Aralin 2, Gawain 1: CLAIM-QUOTE-SUPPORT
CLAIM-QUOTE-SUPPORT Basahin ang isang artikulo na pinamagatang "Ilang pagninilay tungkol sa katotohanan" ni Hezekiah Louie Zaraspe.Magtala ng tatlong (3) impormasyon o pahayag na nakapaloob sa akda at bigyan ng sariling paghahatol at pagmamatuwid ng ideya. Ilagay ang sagot sa paraang Claim, Quote, Support upang isagawa ang gawain. Gamiting batayan ang halimbawang nasa baba.Halimbawa: Si Li-Hua bilang mapang-abusong asawa kay Lian-ChiaoCLAIM: Ipapaliwanag rito ang sariling ideyaHalimbawa: Si Li-Hua ay isang mapang-abusong asawa kay Lian- Chiao dahil lagi niya itong sinasaktan lalo na kung siya ay lasing at natalo sa sugal.QUOTE: Kukuha ng ilang pangyayari mula sa kuwento na magpapatumay ng iyong sariling ideyaHalimbawa: Isang tanghali, umuwi si Li-Hua galing sa sugal. Gutom siya ngunit walang pagkain kaya ang ginawa niya ay binugbog si Lian- Chiao at sinigaw-sigawan.SUPPORT: Magbigay ng komento o patunay mula sa ideyang nakapaloob sa akda.Halimbawa: Ang pinakitang ugali ni Li-Hua ay hindi maganda sa mata ng Diyos at sa mata ng karamihan. Kahit anong mangyari ang hindi nararapat na saktan ang mga babae. Sila ay minamahal nang buo at totoo. IDEYA CLAIM QUOTE SUPPORT