1stPE Exam-Filipino 6
TEST I. MULTIPLE CHOICEPanuto: Tukuyin ang tamang elemento ng maikling pelikula. 1. Mapasaya ang manonood Layunin Mensahe Tauhan 2. Ang soro, pusa at mga aso Tauhan Tagpuan Talakayan 3. Sa kagubatan Tagpuan Tauhan Layunin 4. Magkaroon ng tiyak na desisyon Mensahe Layunin Banghay 5. Namatay ang soro Wakas Gitna Simula TEST II. TAMA o MALIPanuto: Tukuyin ang mga sumusunod kung TAMA o MALI ang mga pangungusap. TAMA Hindi mabisa ang isang pelikula kung iba’t ibang mensahe ang nakuha ng manonood sa kanilang napanood. Ang wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa pelikula ay nagpapatunay lamang na maayos ang pagkakabuo nito. Mahalagang maging detalyado mula sa kaliit-liitang bagay ang lahat ng mga pangyayari upang maunawaan ng mga manonood ang takbo ng pelikula. Masasabing makatotohanan ang naging pagganap ng mga tauhan kung naipahayag nila ang emosyon, kilos at pagsasalita ng tauhang kanilang ginagampanan. Sa pamagat pa lamang ay nagkaroon ka na ng ideya kung ano ang paksa ng pelikula na siyang humihikayat sa manonood. Maituturing na pinaka pundasyon sa pagsusuri ng isang pelikula ang tema. Ito ang nagsasaad ng pinaka paksa ng pelikula. Ang mga gumaganap ng iba’t ibang tauhan o karakter sa pelikula ay dapat tao lamang. Masasabing maganda ang takbo ng pelikula kung angkop ang pagkakasunod-sunod ng mga eksena. Ang pelikulang kailanma’y hindi maaaring lapatan ng musika upang ito ay higit na makabuluhan. Ang kaangkupan ng ilaw at musika na ginamit sa pelikula ay nagbibigay kulay at katuturan sa mga manonood. MALI TEST III. FILL IN THE BLANKSPanuto: Punan ng wastong panghalip ang mga patlang upang mabuo ang diwa ng talata. Sa bansang Korea ginanap ang Asian Games 2018. Doon ay nagtagpo-tagpo ang iba’t ibang kalahok at isa na rito ang bansang Pilipinas. “Sana masungkit natin ang unang lugar,” wika ng isang manlalarong halatang may malaking kumpiyansa sa sarili. Makikitaan ang ating magigiting at matatapang na mga manlalaro ng lakas at tibay ng loob sa pakikipaglaban. “Kailangang may sapat na pagtutulungan tayo sa isa’t isa at tiwala sa sarili,” sigaw ng mga manlalaro ng Grupong Gilas. Sino nga ba ang makalilimot sa pangyayaring ito. Bilang Pilipino maipagmamalaki mo ba ang Gilas Pilipinas? Sino-sino pa kaya sa mga Pilipino ang gustong mapabilang sa Gilas Pilipinas? Ikaw bata gusto mo bang sumali sa pangkat nila? TEST IV. ESSAYPanuto: Isulat ang iyong ideya sa maaaring solusyon ng mga sumusunod na suliranin.RUBRIK:5 puntos naipapahayag ng maayos at klaro ang ideya4 puntos medyo nahirapan sa pagpapahayag ng kanyang ideya3 puntos hindi maayos ang pagpapahayag ng ideya 1. Isulat ang iyong ideya kung ano sa tingin mo ang solusyon sa ating sitwasyon ngayon kung saan nilalabanan pa rin natin ang pandemya o Covid-19. 2. Isulat ang iyong ideya kung ano sa tingin mo ang solusyon sa pagkakaroon ng malnutrisyon lalo na sa mga kabataan. 3. Isulat ang iyong ideya kung ano sa tingin mo ang solusyon ng pagbaha at landslide sa ibang lugar na nakaranas nito. 4. Isulat ang iyong ideya kung ano sa tingin mo ang solusyon ng kakulangan ng mga gadgets gaya na lamang ng laptop o computer lalo na sa pag-aaral ng mga kabataan ngayon. 5. Isulat ang iyong ideya kung ano sa tingin mo ang solusyon sa pagkakaroon ng mahinang signal o internet connection lalo na sa online class.