Aral Pan Q4 W1

Worksheet by CHATLEEN TIL-ADAN
Aral Pan Q4 W1 worksheet preview image
Language
SPA
Assignments
26 classrooms used this worksheet

Subukin Panuto: Tingnan at basahin ang puzzle. Hanapin ang limang (5 )mga salitang may kaugnayan sa mga salik na nagbigay daan sa pag-usbong ngnasyonalismong Pilipino. Isulat ito sa kuwaderno. LIBERALISMO PRINCIPALES SUEZCANAL ILUSTRADO KALAKAL Balikan Panuto: Tukuyin ang mga salitang binigyang-kahulugan sa sumusunod na pangungusap. Piliin sa loob ng kahon ang tamang sagot. tributo Indio Polista Falla Encomendero Pagyamanin Tukuyin ang mga pahayag sa ibaba at punan ang patlang ng bawat bilang ng tamang sagot. Batay sa larawang ipinakita, anong tagpo ang nangyari sa loob ng bansa saimpluwensiya ng mga dayuhan? PANUTO: Tingnan ang mga larawan sa ibaba. Sagutin ang mga tanong. SURIIN Ang mga pandaigdigang pangyayari ay nagkaroon ng epekto sa kolonyal napatakaran at mga pangyayari sa Pilipinas noong ika-18 siglo. Partikular sa mgapandaigdigang pangyayaring ito ay ang paglipas ng merkantilismo at pagsisimula ngmalayang kalakalan, pagwawakas ng kalakalang galyon noong 1815, at angpaglaganap ng kaisipan mula sa Age of Enlightenment ng Europe (kilala bilang LaIlustracion sa Spain) na nagresulta sa pagbuo at pagpatupad ng Cadiz Constitutionng 1812 sa Spain. Ang mga pandaigdigang pangyayaring ito ay nagkaroon ng epektosa pagkabuo ng kamalayang makabayan at pakikibaka ng mga Filipino.Kasabay ng paglipas ng merkantilismo at tapos ng kalakalang galyon ay maymga pangyayari rin sa labas ng Pilipinas na nakaimpluwensiya sa diwang makabansang mga Filipino. Kabilang dito ang pagbubukas ng Suez Canal at paglahok ng Pilipinassa malayang kalakalan, pag-usbong ng Ilustrado, at ang pagpasok ng liberal nakaisipan. Ito ang mga salik na nagbigay daan sa pag-usbong ng nasyonalismongPilipino. 1. Pagbubukas ng Suez Canal Noong Ika-17 ng Nobyembre 1869, binuksan sa pandaigdigang kalakalan angSuez Canal. Sa pagbubukas ng kanal na ito, higit na napadali ang pag-aangkat ngkalakal at pagdating ng kaisipang liberal mula sa Europe patungo sa ibang panig ngdaigdig. Napaikli sa isang buwan ang paglalakbay mula sa Europe patungo saMaynila. Bunsod nito ay dumami ang mga dayuhang naglakbay sa Pilipinas dala angsariling mga pananaw, kaisipan, at kultura, gayundin ang mga Filipinongnakapaglakbay palabas ng bansa. Nakarating din sa Pilipinas ang mga aklat,pahayagan, at iba pang babasahing mula sa Europe at America na naglalaman ngmga kaisipang liberal na may kaugnayan sa kalayaan, pagkakapantay-pantay,pagkakapatiran, at kapayapaan na ibinunga ng Pranses at iba pang himagsikan saEuropa at Amerika.Malaki ang naging epekto ng pagbubukas ng Suez Canal hindi lamang saPilipinas kundi sa Asya at sa buong mundo. Narito ang ilan sa mga ito: Epekto sa Pilipinas, sa Asya at sa kasalukuyan. 1. Noong panahon nng kolonyalismo, ay naging daan ito upang magkaroon ngpagpapalitan ng ideya mula Europa at Pilipinas. Dahil sa Suez Canal, aynadagdagan ang mga Pilipinong nakapag-aral sa Espanya at sa iba pangbahagi sa Europa, dahilan upang magising ang mga ito sa tunay na kalagayanng kanilang mga naiwan sa kolonya. Isa pa sa nagawa nito ay ang pagigingdirekta ng pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa Espanya. Hindi tulad ng dati nakailangan pang tumawid ng Dagat Pasipiko (Pacific Ocean) patungo sa Mexicoupang maipahatid ang kailangan sa Espanya.2. Ganito rin ang naging epekto ng pagbukas ng Suez Canal sa ibang bahagi ngAsya na mga dating kolonya ng ibang bansa sa Europa.3. Sa kasalukuyan, ang Suez Canal ay nagiging daan para sa mabilis napagdadala ng mga kalakal patungo sa Europa at dito sa Pilipinas, at sa ibapang bahagi ng Asya.Nabigyan din ng pagkakataon ang maraming mandaragat na Pilipino at iba pangAsyano na magkaroon ng hanapbuhay sa mga barkong dumadaan sa Suez Canal. 2. Ang LA IlUSTRACION O AGE OF ENLIGHTENMENT Ang La Ilustracion o Age of Enlightenment ay maituturing na mahalagangpanahon ng paghahanap ng katotohanan at pag-angat ng antas ng pag-iisip atpamumuhay sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng pamahalaan, impraestruktura atmga institusyon ng lipunan. Malaki ang naging epekto ng La Ilustracion oEnlightenment sa naging kolonyal na patakaran ng mga Espanyol sa Pilipinas.Hinubog ng La Ilustracion ang Europe sa mga modernong kaisipan sa mga aspektong pamahalaan, demokrasya, edukasyon, ekonomiya, sining, at panitikan. Karamihansa mga kaisipang ito ay ginagamit at pinakikinabangan pa rin ng daigdig hanggang sakasalukuyan.Marahil, ang pinakamahalagang impluwensiya ng enlightenment aymasasalamin sa mga rebolusyong politikal na sumiklab tulad ng French Revolution ng1789 at ang American Revolution ng 1775-1783. Itinaguyod ng French Revolution angkonsepto ng kalayaan, pagkakapantay-pantay, at kapatiran (liberty, equality, atfraternity) at pinabagsak ang monarkiyang nagsamantala sa mga mamamayan.Gayundin ang American Revolution- liban sa pagtutol sa mga buwis at regulasyonsa kalakalang ipinatupad ng mga British- ay sumiklab upang ipaglaban ang kasarinlanat itaguyod ang karapatang konstitusyonal, popular na soberanya, at batas- mgakonseptong umusbong mula sa Enlightenment. Epekto ng La Ilustracion sa Pilipinas Ang deklarasyon ng Cadiz Constitution sa Pilipinas noong 1813 ay lumikha ngmatinding reaksiyon mula sa hanay ng mga Filipino. Ang pagpapatupad nito aynangangahulugang kailangang ipatigil ang ilang mahigpit na patakarang pangekonomiyang Spain sa Pilipinas tulad ng sapilitang paggawa at pagbayad ng buwis.Hindi man ganap na naipatupad ang Cadiz Constitution sa Pilipinas, nagdulotito ng iba’t ibang reaksiyon sa mga Filipino. Halimbawa nito ay ang pag-aalsa ng mgakatutubo ng Sarrat, Ilocos Norte noong 1815. Para sa mga katutubo, ang hindipagpapatupad sa nasabing konstitusyon ay pakana lamang ng pamahalaang kolonyalupang maipagpatuloy ang pang-aabuso sa mga Filipino sa pamamagitan ng sapilitangpaggawa at pagpapataw ng buwis. Kumalat ang pag-aalsa sa mga karatig na bayansa Ilocos. Pinaslang ng mga katutubo ang mga principales na itinuring nilangkasabwat ng pamahalaang kolonyal sa pang-aabuso sa kanila.Bigo man ang mga pag-aalsa, malinaw na pinukaw ng kaisipang La Ilustracionat Cadiz Constitution ang kamalayan ng mga Filipino tungkol a kanilang mgakarapatang dapat tinatamasa sa buhay. Nakatulong din ito upang mapagtanto ng mgaFilipino na may pagkakataon sana silang mamuhay nang maginhawa kungmagwawakas ang pang-aabuso sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng mgakarapatan. 3. Pag-usbong ng Panggitnang Uri Bunga sa paglago ng agrikultura at ang pagbubukas ng Pilipinas sa kalakalangpandaigdig ay may ilang mangangalakal, magsasaka, at propesyonal na umunlad angpamumuhay. Sila ang bumuo sa panggitnang uri sa lipunan sa Pilipinas. Karaniwangkinabilangan ng mga Chinese at Spanish mestizo. Dahil sa nakamit nila angkasaganaan ay nagkaroon ang mga nasa panggitnang uri ng kakayahang pag-aralinang kanilang mga anak sa Maynila o sa Europe, partikular sa Spain. Doon nakamit ngmga “naliwanagang” kabataan, o mga ilustrados, ang liberal na edukasyong nagmulatsa kanila sa tunay na kalagayan noon ng Pilipinas. 4. Kaisipang Liberal Noong ika-19 ng Setyembre 1868, sumiklab ang isang himagsikan sa Spain.Nag-ugat ang himagsikang ito sa pagpapalit ng pamamahala ng Spain mula sa kamayng mga konserbatibo tungo sa mga liberal. Sa panahong ito, ipinadala bilang bagonggobernador-heneral sa Pilipinas si Carlos Maria de la Torre.Madaling nakuha ni de la Torre ang pagtitiwala ng mga Filipino. Nakilala siyasa kanyang liberal na pamamahala sa Pilipinas. Nakinig siya sa mga suliranin ng mgamamamayan at nakihalubilo sa mga tao, Espanyol man o Filipino. Ipinagbawal rin niyaang paghahagupit bilang parusa; winakasan ang pag-eespiya sa mga pahayagan; athinikayat ang malayang pamamahayag. Naniwala siya na pantay-pantay ang lahat ngtao. Sa ilalim ng kaniyang panunungkulan ay naranasan ng mga Filipino ang kalayaansa pagpapahayag ng kanilang sarili.Subalit hindi nagtagal ang liberal na pamamahala ni de la Torre. Natapos ito ng pinalitan siya bilang Gobernador-Heneral ni Rafael de Izquierdo matapos ang dalawang taong panunungkulan. Si Izquierdo ang kinilala bilang isa sa pinakamalulupit na namuno sa Pilipinas. Sa panahong ito, lalong sumidhi ang pagnanais ng mga Filipino para sa pagbabago at kasarinlan. Panuto: Tukuyin ang mga pahayag sa ibaba at punan ang patlang ng bawat bilang ng tamang sagot. Ang Suez Canal ay nag-uugnay Mediterranean Sea at Red SeaLa ilustracionang tawag sa Enlightenment o Kaliwanagan sa Spain.Ang nasyonalismoay isang ideolohiyang politikal na lumaganap sa England noong ika-18 siglo.Ang Principales ay pinaslang ng mga katutubo na itinuring kasabwat ng pamahalaang kolonyalsa pang- aabuso. Isaisip ➢Matatagpuan ang Suez Canal sa Egypt. Pinag-uugnay nito ang Mediterranean Sea at Red Sea.➢Mahalaga sa mga Pilipino ang pagbubukas ng Suez Canal dahil sa pamamagitan ng pagpasok at paglabas ng iba’t ibang bansa, higit na napadali ang pag-aangkat ng kalakal at nabuksan ang mga kaisipan ng mamamayan upang pasukin ang paghahangad ng kalayaan lalo na sa pag-usbong ng damdamin at kaisipang nasyonalismo.➢ Binuksan ang Suez Canal noong Nobyembre 17, 1869. (32 araw na lang ang paglalakbay, hindi na 3 buwan)➢ Ang namamahala sa liberal na pamahalaan ay si gobernador-heneral Carlos Maria dela Torre. Naniniwala siya sa liberalismo at pantay-pantay ang pagtingin niya sa mga Espanyol at Pilipino.➢ Ang La Ilustracion o Age of enlightenment ay maituturing na mahalagang panahon ng paghahanap ng katotohanan at pag-angat ng antas ng pag-iisip at pamumuhay sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng pamahalaan, imprastraktura at mga institusyon ng lipunan. You've been invited to a Quizizz game Iclick ang link at basahin ang mga pangungusap at piliin ang salita o impormasyong bubuo sa diwa nito. Tayahin

Use This Worksheet